<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2480742072650651373\x26blogName\x3dStudentStrike\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://studentstrike.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://studentstrike.blogspot.com/\x26vt\x3d-7123066251283300075', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Di na paaalipin

Friday, October 31, 2008

Entry submitted for PinoyWeekly.org, Nov 3-10

Nitong nakaraang Oktubre 29-30, 2008 ginanap ang Global Forum on Migration and Development (GFDM) sa PICC sa Maynila, at binuksan ito ng mga pahayag ni Gloria Arroyo at UN Secretary General Ban Ki-Moon na nagkaisa: ang migrasyon ay instrumento para sa kaunlaran.

Ilang kanto mula sa venue ng GFMD, nagtipon ng International Assembly of Migrants and Refugees (IAMR). Nagsama-sama dito ang mga hindi imbitado sa GFMD -- ang mga migrante mismo -- ang mga alipin ng bagong mundo mula sa iba’t ibang panig, at sa kanilang mga sarili ay nagtanong: nasaan ang kaunlaran sa dustang kalagayan?

Nagpulong ang mga migrante at nagbahaginan ng mga kuwentong tiyak na di tatalakayin ng mga hari, burukrata at negosyante sa PICC. Habang pinag-uusapan nina Arroyo at Ban ang remittances, batas at mga proseso ng maramihang pagpapadala sa ibang bayan, pinagkukuwentuhan ng mga migrante ang kanilang mga pamilya, mga kasamahan, at ang kanilang pangarap na umuwi sa kani-kanilang mga bayan.

Malinaw ang kanilang deklarasyon: hindi kaunlaran ang mahiwalay sa pamilya, maabuso, mabigyan ng mumong pasahod, makaranas ng pang-iinsulto at pagkakapahiya, nakawan ng perang pinagpaguran para sa bulsa ng iilan. Hindi kaunlaran ang magahasa, mabartolina, mapugutan ng ulo, mabitay, mawalan ng asawa, anak, magulang.

Hindi kaunlaran ang mabigyan ng sahod alipin na nanakawin pa ng malalaking bangko at mga gubyernong mapagsamantala. Kung may salamangka na hatid ang remittance, black magic ng panloloko ito sa mga mamamayan ng mundo.

Sa araw ng pagbubukas ng GFMD, lumabas ang mga migrante at nagmartsa. Isantambak ng mga pulis at sundalo ang itinapat sa kanila. Napigilan man nito ang paglapit nila sa lugar ng pagpupulong, bigo itong puksain ang kapangyarihan ng kanilang nagkakaisang tinig na pinaalingawngaw sa buong daigdig.

“Now we speak for ourselves!” Ito ang islogan ng International Migrants’ Alliance (IMA) na nanguna sa martsa. Nakakatindig-balahibo kung tutuusing mula ito sa mamamayang itinaboy mula sa sariling bayan, pinagkaitan ng boses at pinilit magsalita sa tinig ng iba, at tinanggalan ng sariling karapatan bilang tao pagkat tinuring bilang kalakal.

Oktubre 29-30, 2008, nagtipon ang mga naghahari-harian at mga alagad ng karimlan at sila’y nagkaisa: higit nating pahirapan ang mga alipin, higit nating pagsasasaan sila at ang kanilang mga anak.

Ilang kanto mula rito, itinipon ang nagpupuyos na galit sa puso nilang matagal nang dinusta. Iba’t ibang lahi, iba’t ibang salita, pero iisa sa pagbabanta: di na kami paaalipin, di na palalansi, ang kinabukasan ng mundo ay sa amin at sa aming mga anak. #

Continue reading this entry >>


Change the conversation. Join the people’s struggle.

A good friend did me a favor by translating into English my Blog Action Day 2008 post which was originally written in Filipino. I hope this helps reach a wider audience.


Change the conversation

I congratulate my colleagues at Bloggers’ Kapihan for successfully leading the Blog Action Day 08 in the Philippines and in raising calls for bloggers to take a stand on poverty.

It was not an easy decision for progressives to lead a call for an activity that would bring to fore their stand on poverty – an issue that could be considered very close to the hearts of progressives – and against the dominant views on the topic in the blogosphere.

If you will go through blogactionday.org and read some of the featured posts, you might easily detect what I refer to as the “dominant views”. To those who have seen them, the scene might be quite familiar. They have been sold to us before, with “cool” campaigns using artists and bands, led by institutions funded by big companies.

Indeed, something’s fishy. Something seems wrong with this scenario. And let’s try to understand it.

The poor won’t be blogging

We may not have to say it but on this day, it is not the poor who will tell their stories. This is not poor blogging day after all. Nobody of course, bothered to tell us that the poor will not be blogging today. In sum, the posts today are about the poor and poverty, from a perspective not from the ones who actually experience it. Or at least, not from those who will admit to experiencing it.

Thus, those who do not experience poverty are now examining poverty. In so doing, poor people are treated like “others” and “different” from those who are themselves talking about poverty. Whatever this does to the poor is unimportant because after all, they don’t blog and they don’t have access to internet. But the important thing to note is that such discussions worsen and tolerate the views and illusions coming from the middle-class bloggers that they are not poor, that poverty is irrelevant to them (aside from expressing “concern” for the poor), and that they’re different from the poor.

Poverty in understanding

It is thus no wonder that the blogosphere generally belittles the issue of poverty, as if it is a mere topic for a blog post they will write, perhaps considered only as important as environmental issues, culture, a TV show or web design. Poverty is viewed as only one of many problems, nothing is more or less important, and not the single-biggest problem facing the world today. Never mind if more than half of the world’s people are poor.

For many in the blogosphere, poverty is portrayed as just an aberration that may be solved from within the current social set-up. We only need to blog, to donate, to buy coffee with the flavor of the month that provides aid to the poor in Africa, etc.

It is as if only a few people are poor and that it is a social “abrnomality”, when it is a matter of fact that poverty exists as a norm and that more people are becoming poorer and poorer. It is as if people now have “equal opportunities” and the capability to get rich if only they exert effort.

Such views are a big joke really. These views try to erase the truth that the present system lives by exploiting the majority. Poverty is not an exception to the rule; it is the rule. Poverty is natural under the present system where wealth is monopolized by a few and these same few viciously exploit workers and the people. This poverty is not brought about by anything else except the exploitation by a handful few. And until genuine social change comes, poverty will only get worse.

Look at what are listed in big sites on what we “can do” to fight poverty: get rich (yes, someone actually included that), stop eating meat, adopt children, donate to institutions, buy certain “compassionate” products, etc. These meanwhile we cannot find: Act for social change, organize to end imperialism, fight for fundamental rights and welfare of people to wages, jobs and rights.

Change the discussions, raise the ante of actions

It is thus very refreshing to “change the conversation”. And for progressive bloggers, this is not just rhetoric/al but a serious matter altogether.

We want to share to bloggers that if we are truly serious in defeating poverty, it should start with social change. If the advice to students is “not to let yourselves be imprisoned in the four corners of the classroom”, we say to bloggers: “don’t limit yourselves in the four corners of your computer screens”. The revolution we need is definitely not virtual.

Progressives wrote excellent posts on Blog Action Day ’08. Anton invited us to visit the workers’ picketline at Kowloon. Bikoy and Danny Arao meanwhile shed light on the warped perspectives on blogging. Tonyo honored the heroes of the struggling masses and exposed the root cause of poverty. Nato showed how the dominant few are not content in keeping the poor poor; they even try to hoodwink them.

My hope is that when Blog Action Day ends, many more will start frank discussions on poverty. Not just in the blogosphere but also in factories, communities, farms and the streets. Not just to express and to expose, but to engage in social change that is crucial in putting an end to poverty.

Continue reading this entry >>


Daluyong sa UPIS

Friday, October 17, 2008

This was the article I submitted for my column on this week's Pinoy Weekly online newspaper. I really wanted to write this article during the celebrations of the UP centennial, but never really found the time to do so.

Daluyong*

http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/10/daluyong

IKAAPAT na Lunes iyon ng Hulyo, taong 2000. Karaniwang hindi ako maagang pumapasok sa unang araw ng linggo dahil bukod sa nakakatamad galing sa ilang araw na walang pasok, flag ceremony lang naman at homeroom ang klase sa unang dalawang oras. Pero iba ang araw na ito.

Maaga pa lang, nakabantay na ako kasama ang ilan pa sa daanan ng karamihan ng mga kaeskuwela. Isa-isa namin sa kanila iniaabot ang mga polyeto, sabay tanong: "Tol, sama ka mamaya ha?"

Ilang linggo din ng paghahanda, pagkakampanya at kumbinsihan iyon. Room-to-room, Pangkalahatang Asembliya sa mga balangay kada seksiyon, at mga talakayan ng Oust Primer. Nagkalat sa kampus ang mga sulat-kamay na poster hinggil sa kalagayang panlipunan, at sa huli, nakasulat sa malalaking titik: "SUMAMA SA SONA (State of the Nation Address) RALLY!"

Kahit sa mga banyo at upuan, katabi ng vandal na "I WAS HERE" at "PUSH TO EJECT TEACHER" ang "SOBRA NANG PAHIRAP, PATALSIKIN SI ERAP! – ANAKBAYAN-UPIS".

Napag-usapan na ang mga target. May mga klase kung saan lahat ng estudyante ay hindi na papasok. Sa iba, aabot ng kalahati ang sasama. Para matiyak ang pagsama sa araw na ito, inayos na ang hatian para sa sunduan at paglabas sa silid-aralan.

Naghanda kami kung sakaling pigilan. Nagpa-xerox na kami ng maraming kopya ng excuse letter na inilabas ng administrasyon ng UP na nakuha namin mula sa Office of the Student Regent (OSR). Siyempre, alam naming sasabihin nila na para lang ’yun sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Pero wala namang nakalagay na hindi kami kasali, para ang sulat sa lahat ng estudyante, kaya pasok kami.

Pagkatapos ng flag ceremony, sunduan na sa mga klase. Magkikita-kita sa tapat ng CR malapit sa canteen. Kanya-kanya ng diskarte. Marami sigurong nag-“may-I-go-out” noon. Maya-maya pa, naglulunsad na kami ng snake rally at naghihikayat sa iba na sumama.

Mahigit kumulang isang daan na ang sumama, pero gaya ng inaasahan, nang papalabas na, pinigilan na kami ng guwardiya. Maya-maya pa, nakipigil na din ang mga guro. Hindi naman mahigpit sa paglabas sa kampus noon sa mga mahilig mag-“cutting classes”, pero siguro alam na nilang hindi lang simpleng bulakbol ang adyenda namin.

Syempre umalma kami: ”Ma’am walang pasok sa UP. Excused ang mga estudyante na pupunta sa rali!” Susubukan nila kaming paliwanagan, pero sa bawat sagot nila, naghanda kami ng mas maraming pambara. Kabisado namin ang Universal Declaration on the Rights of the Child na nagsasabing kahit menor-de-edad kami, may karapatan kaming maghayag ng karapatan at sumama sa mapayapang pagpoprotesta.

Para daw maayos, pinapasok ang lahat ng gustong sumama sa loob ng isang kuwarto at doon pag-uusapan ang paglabas namin. Ang bilis din talaga mag-isip ng diskarte ng mga kasama, nagtalaga ng ilang mga tao na maglunsad ng room-to-room para ipalaganap na ang mga gusto pang sumama, pumunta sa multi-purpose hall dahil pag-uusapan ang pagpayag ng administrasyon sa protesta. Di lalo pang dumami ang interesadong pumunta.

Dinelay ng pag-uusap ang aming paglabas at pinaghintay kami. Sinamantala naman namin ito para magtalakay ng MKLRP (Maiksing Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino) sa mga mag-aaral sa layuning itaas pa ang kamulatan ng mga nagpasya nang sumama.

Pagdating ng ilang oras, malinaw na hindi na kami papayagang lumabas. Maya-maya pa’y nabalitaan na naming suspendido ang klase sa Commonwealth at may hinihikayat ang mga paaralan na pauuwin ng maaga ang mga mag-aaral. Lahat ng mga dadaan ng Commonwealth ay maaari nang pauwiin ng maaga basta pumirma lamang sa isang request form. Lahat kami, siyempre, pumirma. Pinauwi ang ibang estudyante pero hindi ang mga tukoy na pupunta sa protesta.

Dito na kami nagdesisyon na hindi na maghintay na payagan. Tingin nami’y ginawa na namin ang lahat ng paraan para pagbigyan ang mga kondisyon ng administrasyon. Alam ng mga mag-aaral ang halaga ng paglahok sa makasaysayang protestang ito at hindi namin hahayaang ang mga teknikalidad at maliliit na usapin ay makapigil sa amin.

Ipinaayos ang hanay. Nalakad kami papunta sa gate. Dahil isa ako sa mga “lider”, ako ang ipinakausap sa guwardiya. Habang kinakausap ko siya, binuksan na ng ibang mga kasamahan ang gate. Pagbukas, karipas na ng takbo lahat palabas. May iba na umakyat pa sa bakod sa halip na sa gate dumaan para lang siguradong di mahaharang.

Kakaibang tapang at kapangahasan iyun para sa mga mag-aaral na kung tutuusi’y nasa 14 hanggang 15 na taong gulang lang! Ano kaya ang iniisip ng mga dumadaan sa tapat ng paaralan namin nang makita na may mga batang estudyanteng nagpupulasan ng takbo na parang tumatakas sa preso?

Tinangka pa ng guwardiya na hablutin ang isang kasama namin, pero hindi nya rin kami napigilan. Paglabas, diretso sakay sa mga dyip na kinontrata na ng ibang mga mag-aaral. Karipas agad ang mga dyip na akala mo imeeskapo sa holdap.

Hindi kami nakarating ng Batasan noon. Matindi ang pandarahas kaya’t sa bukana lang ng UP nakapagprograma ang bulto ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan).Nabasa kami ng malakas na ulan, pero masaya kami. Alam namin na hindi lang kami naging bahagi ng kasaysayan, kami mismo ay lumikha ng aming kasaysayan. Sa araw na iyon malinaw ang mensahe namin: hindi hadlang ang murang edad sa pangangahas na makialam at lumaban.

Ang Sona na iyon ay ang huli na ni Erap bilang pangulo. Ilang buwan matapos, mas malalaking protesta pa ang sasambulat hanggang sa tuluyang pagpapatalsik sa kanya sa pag-aalsa sa Edsa.

Sa kabila ng mga banta sa ng administrasyon ng paaralan na makasuhan ang lahat ng mga sumama sa rali na iyon noong Sona, marami pa rin ang nag-walk-out sa klase at tumungo sa Edsa pagdating ng Enero 2001 at tuloy-tuloy na kumilos para sa panlipunang pagbabago hanggan sa kasalukuyan.

Sa katunayan, ang Corps Commander namin noon, si Icy Salem, ay tagapagsalita na ngayon ng People’s Caravan, isang grupo na nangangampanya laban sa Value Added Tax. Ang valedictorian ng aming batch at oblation scholar na si Ken Ramos – na nanguna rin sa pagsusuot ng pulang ribbon noong aming graduation – ngayon ay Pambansang Tagapangulo na ng Anakbayan. Ang sikat na ”bandista” ng batch, si Bogs Paterno, gitarista na ng progresibong cultural group na Sinagbayan.

Marami pa ang mga kasama noon ang ngayo’y mga susing organisador na sa iba’t ibang organisasyon at lugar. Isa sa aming mga lider noon at kasamahan, si Erika Salang ay nagpasyang mag-organisa sa kanayunan at naging martir sa gitna ng magiting na labanan noong Marso 2006.

Kamakailan lamang, nakita ko muli sa isang rali ang ilan sa mga ka-batch sa ”Daluyong”. Iba’t iba na ang aming mga pag-alaala at pagtingin sa mga naganap noong araw na iyon, pero malinaw na nag-iwan ito ng marka sa aming mga buhay at gayundin sa kasaysayan ng UPIS. Ipinakita ng pagkilos namin noon kung paanong sa panahon ng matinding krisis panlipunan, nagiging handa ang mga mag-aaral, gaano man kabata, na kumilos ng sama-sama para sa pagbabago.

Sa ibayo pang pagsahol ng kalagayang panlipunan sa kasalukuyang panahon, natitiyak kong ang daluyong ay aagos pa hanggang sa mga susunod na henerasyon.

*”Daluyong” ang batch name ng mga nagtapos sa UPIS noong 2002. Para kay Erika at sa lahat ng mag-aaral at magiging mag-aaral pa ng UPIS.

Continue reading this entry >>


Baguhin ang talakayan: Makiisa sa laban ng mamamayan

Wednesday, October 15, 2008

Binabati ko ang mga kasamahan sa Bloggers’ Kapihan sa matagumpay na pangunguna sa Blog Action Day 08 sa Pilipinas at pangunguna sa panawagan na manindigan laban sa kahirapan.

Para sa mga progresibo, kakaibang kapangahasan ang kinailangan para pangunahan ang pagpapanawagan ng aktibidad, na magsasalang ng kanilang paninindigan sa kahirapan, – isang usaping masasabing malapit sa puso ng mga progresibo – laban sa mga namamayaning pagtingin dito ng blogosphere.

Kung tatawirin ang blogactionday.org, at babasahin ang ilang tampok na blogs na lumahok, siguro mauunawaan kung ano ang tinutukoy ko sa ”namamayaning pagtingin.” Sa mga mabilis makaamoy, medyo pamilyar na ang eksena na dati nang sinubukang ibenta. May bakas ito ng mga kampanyang pa-cool na gumamit pa ng mga artista at banda sa pangunguna ng mga institusyong pinopondohan ng malalaking kumpanya.

Sa madaling sabi, something’s fishy. Subukan nating unawain saglit.

Hindi magbablog ang mahirap

Hindi na siguro kailangan sabihin, pero sa araw na ito, hindi mga mahihirap ang magkukuwento. Wala namang nagsabi na araw ito para magblog ang mahihirap. Sa madaling sabi, tungkol sa mga mahihirap at sa kahirapan ang istorya, pero hindi mula sa perspektiba ng mga dumadanas. O at least, hindi sa mga aminadong dumadanas nito.

Kung gayon, ang kahirapan ay ineeksamin ng mga hindi dumadanas nito, o at least ng hindi mulat na dumadanas. Parang ”others” na pinag-uusapan ang mahihirap at iba sa mga nag-uusap ang kahirapan. Hindi naman masyadong importante kung anong epekto noon sa mahihirap mismo, dahil hindi naman sila nagbablog at wala ring internet. Pero mas mahalagang tignan, na pinatitigas nito ang posisyon at ilusyon ng middle-class bloggers na hindi sila mahirap, wala silang kinalaman sa mga naghihirap (bukos sa ”concerned” sila sa kanila), at iba sila sa kanila.

Kahirapan sa pag-unawa

Kaya hindi na nakapagtataka kung maliitin ng blogosphere ang usapin ng kahirapan na tila isa lang sa mga topic na isusulat nila sa kanilang entry, kapantay siguro ng usaping pangkalikasan, kultura, TV show, o web design. Tinitignan ang problema ng kahirapan bilang isa lamang sa maraming mga prublema, walang mas matimbang at mas magaan, at hindi ang pangunahing prublemang bumabagabag sa sandaigdigan. Hindi na baleng higit kalahati ng daigdig ang dumadanas nito.

Sa marami, para lamang kakaibang pangyayari ang kahirapan na maaring solusyunan sa balangkas ng kasalukuyang set-up na panlipunan. Kailangan lang natin, halimbawa, magblog, magdonate, bumili ng kape na may flavor of the month na tumutulong sa mahihirap sa Aprika, at iba pa.

Para bagang iilang tao lang ang naghihirap at ”abnormal” ito sa lipunan, gayong sa totoo’y ito ang kalakaran. Dumadami pa nga ang naghihirap habang tumatagal. Para bagang lahat ng tao ay may ”pantay na oportunidad” at may kakayanang yumaman basta mag-sikap-at-tiyaga lang.

Pero malaking kalokohan ang mga pagtinging ito. Sinusubukan nitong burahin ang katotohanan na nabubuhay ang sistema sa kasalukuyan sa pagsasamantala sa nakararaming mamamayan. Ang kahirapan ay hindi exception to the rule, kundi ang rule mismo. Sa ilalim ng sistema na nakokonsentra lamang sa iilan ang yaman at pinipiga ang todo-todong pagsasamantala sa mga manggagawa at mamamayan, natural ang kahirapan. At kahirapan ito na hindi dulot ng kung anupaman, kundi ng pagsasamantala ng naghaharing iilan. At hangga’t hindi nagbabago ang lipunan, hindi matatapos ang kahirapan.

Eto ang ilan sa mga makikita sa mga listahang lumabas sa malalaking sites hinggil sa mga ”pwedeng gawin” laban sa kahirapan: magpayaman (oo, meron nito), magbawas ng pagkain ng karne, mag-ampon ng mga bata, magdonate sa mga institusyon, bumili ng mga produkto na may ”malasakit”, at iba pa. Ito ang hindi matatagpuan: kumilos para sa panlipunang pagbabago, mag-organisa para wakasan ang imperyalismo, ipaglaban ang mga batayang interes at kapakanan ng mamamayan sa sahod, trabaho at karapatan.

Baguhin ang talakayan, patindihin ang pagkilos

Kaya tunay lamang na dapat ”baguhin ang talakayan.” At para sa mga progresibong blogger, hindi lamang ito retorika kundi seryosong usapan.

Layon nating ipakita sa bloggers na kung tunay na gusto nilang gapiin ang kahirapan, dapat na magsimula ng pagbabagong panlipunan. Kung sa estudyante, ang sigaw nati’y "wag makulong sa apat na sulok ng paaralan", pwede sa bloggers: "wag makulong sa apat na sulok ng computer screens." Ang rebolusyong kailangan ay hindi virtual.

Sa Blog Action Day ’08, magaganda ang posts ng mga progresibo. Si Anton, nagyaya sa piketlayn ng mga manggagawa ng Kowloon. Si Bikoy at si Prof. Danny Arao, naglinaw hinggil sa mga maling pag-unawa sa kahirapan. Si Tonyo, pinagpugayan ang mga bayani ng mahihirap na nakikibaka at inilantad ang ugat ng kahirapan. Si Nato, pinakita kung paano pinahihirapan na nga, niloloko pa ng mga kinatawan ng mga naghahari ang mamamayan.

Sana pagkatapos ng Blog Action Day, marami pa ang magsimula ng tunay na talakayan. Hindi lang sa blogosphere, kundi sa mga pabrika, komunidad, sakahan at lansangan. Hindi lang para magsalaysay at maglahad, kundi para makisangkot sa pagbabagong panlipunan na tunay na siyang magwawakas sa kahirapan.

Continue reading this entry >>


Oct 15 is Blog Action Day 08 on Poverty

Sunday, October 12, 2008

On October 15, Wednesday, we in Bloggers Kapihan invite Filipino bloggers to participate in Blog Action Day 2008 by taking a stand on poverty.

I made these badges for the campaign and customized the campaign site.

Here are the badges:


Grab this:

<a href="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/"><img src="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/wp-content/uploads/2008/10/blogactiondayphils.jpg"></a>


Grab this:

<a href="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/"><img src="http://farm4.static.flickr.com/3147/2935468240_dfbe9bd1b4.jpg"/></a>


Grab this:

<a href="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/"><img src="http://farm4.static.flickr.com/3059/2935575440_346b7edc52.jpg"/></a>


Grab this:

<a href="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/"><img src="http://farm4.static.flickr.com/3059/2935575440_346b7edc52.jpg" />

and a banner


Grab:

<a href="http://blogactionday2008.bloggerskapihan.com/"><img src="http://farm4.static.flickr.com/3217/2935619074_e50da6705a.jpg" /></a>

Continue reading this entry >>


I am now a Pinoy Weekly columnist

Saturday, October 11, 2008

I haven't touched my blog for a while as I've been busy with other stuff. And I regret it. I wanted really to buy a domain for myself and blog away from blogspot, but I haven't found the time to do so.

I am updating this blog to announce that I am now writing a weekly column in PinoyWeekly.org, an online progressive Filipino newspaper. I will post my column entries in this blog as well.

Apologies to the friends who do not understand Filipino, hopefully I would find the time in the future to translate the articles.

Here's my first entry, Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan (Campus Fascism and Akbayan's Treachery). The article discusses the intensifying repression in campuses and Akabayan's Magna Carta for Students/Students' Rights and Welfare Bill in Congress. The bill, while seeming to stand for the interests of the students, invoking student rights and campus freedoms, is actually counter-student and a tool that could actually be used by the government and clerico-fascist administrators to curtail student rights.


Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan


Vencer Crisostomo

SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus.

Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip ng mga mag-aaral sa ilang ahente ng militar na kumukuha ng mga litrato at naniniktik sa mga mag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Matapos ang insidente, tuluy-tuloy na lantarang nagsagawa ng mapanirang mga propaganda at harassment ang mga sundalo laban sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, kabilang ang konseho ng mag-aaral at publikasyon.

Higit pang matindi ang kampanyang ala-batas militar sa mga kampus sa mga rehiyon. Sa PUP-Lopez, Quezon, sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang tatlong kasapi ng konseho ng mag-aaral, kasabay ng paninira at pananakot sa kanila at kanilang mga pamilya.

May iba't ibang antas ng paniniktik at panghaharas din na naiulat sa mga yunit ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan. Gayundin, ipinagmamalaki ng mga sundalo ang paglulunsad ng mga porum sa pampublikong mga hayskul na naninira sa progresibong mga organisasyon ng kabataan at nananakot sa mga mag-aaral.

Noong isang buwan, sa JRU (Jose Rizal University) naman, 19 na mag-aaral ang di-makatarungang sinuspinde, apat dito ang pinatalsik ng administrasyon dahil sa paninindigan nila sa mga katagang "pag-asa ng bayan" at paglulunsad ng kampanyang room-to-room laban sa Value-Added Tax.

Target ng panunupil ang kilusang masang nanguna sa mga walkout at iba pang protesta ng kabataan at mamamayan laban sa korap at pahirap na rehimeng Arroyo. Takot ang rehimen sa higit pang paglawak at paglakas ng mga organisasyong nagtatanggol sa mga karapatan sa loob at labas ng kampus, lalo't inilalatag nito ang mga hakbang para makapanatili sa puwesto hanggang 2010 at lagpas pa.

Kasabay ng pagtindi ng pasistang mga kampanya sa paaralan, isang batas para sa "karapatan at kagalingan ng mga mag-aaral" ang isinusulong sa Kongreso. Sa una'y aakalaing progresibo pagkat ilalatag ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Ngunit sa pagsusuri ng nilalaman, tatambad ang kataksilan ng panukala.

Inilalako ngayon ng Akbayan! Party-list -- isang partidong sa isang kampanya sa halalan ay idineklara ang sarili na "partido ng kabataan" -- ang Straw (Students Rights and Welfare) Bill of 2007 o HB 2584 ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel. Bersiyon nila ito ng nakaraang mga tangka na isabatas ang isang Magna Carta para sa mga mag-aaral. Sa lahat ng bersiyon, ito ang pinakamahaba at pinakadetalyado. Ito rin ang pinakamapinsala.

Inilantad ng iba't ibang organisasyon, sa pangunguna ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), sa mga pulong sa loob ng Kongreso na ang mga panukala sa Straw Bill ay higit pang magpapamukhang lehitimo at magpapatigas ng panunupil sa mga pamantasan. Sa mga probisyon nito hinggil sa karapatan sa pag-oorganisa, kalayaan sa pagpapahayag, pagtatayo ng konseho at publikasyon, binibigyan pa nito ng puwang at lisensiya ang administrasyon ng mga paaralan para limitahan at kontrolin ang mga organisasyon, mga aktibidad at mga kalayaan ng mga mag-aaral.

Sa kongkreto, halimbawa, sa pag-apruba sa mga organisasyon sa loob ng paaralan at paglulunsad ng mga aktibidad, binibigyan nito ng masaklaw na kapangyarihan ang OSA (Office of the Student Affairs). Hinggil kalayaan sa pagpapahayag, nais ng probisyon na magkaroon ng isang lugar kung saan doon lang puwedeng magprotesta. Hinggil sa diyaryong pangkampus, pinaboran lang nito ang Campus Journalism Act o CJA, na ginagamit ngayon para ipitin ang pondo at paghigpitan ang mga publikasyong pangkampus.

Nakakasuklam ang bahagi ng panukala hinggil sa pagtaas ng matrikula kung saan itinatakda na magkaroon ng "minimum na mga pamantayan" ng konsultasyon sa bawat pagtataas. Sa aktuwal, bogus na konsultasyon gaya ng mga nagaganap sa kasalukuyan ang itinataguyod nito. Kung tutuusin, batay sa karanasan, dapat konsultasyon at pagsang-ayon ang isulong na patakaran.

Kataka-taka ring wala sa bersiyon ng Akbayan ang isang probisyong mayroon sa mga nauna, na tutol sa pagpasok ng militar sa mga pamantasan.

Siguro'y hindi nauunawaan ng mga sumulat ng panukala na bawat butas sa kanilang batas na puwedeng gamitin sa paniniil ay sasamantalahin ng administrasyon para kitlin ang karapatan ng mga mag-aaral – tulad ng ginawa sa CJA. Maaari ring wala talaga silang aktuwal na karanasan sa mga pakikibaka laban sa paniniil sa loob ng mga kampus at hindi naiintindihan ang mga implikasyon ng kanilang mga panukala. O, marahil, ito talaga ang kanilang pinipiling posisyon: ang pagbukambibig ng mga karapatan habang sa aktuwal ay pinapanigan ang mga puwersang sumisikil dito.
Para maakit noon ang mga kabataan na bumoto pabor sa kanila, ginamit ng Akbayan sa isa nilang poster ang mukha ni Che Guevara, isang tanyag na lider-rebolusyonaryo at icon ng mga progresibo. Pero ipinapakita ngayon ng kanilang praktika ang tunay na mukha ng kanilang pulitika: panig sa mga kleriko-pasista at taguyod ng tiraniya ni Gloria.

Continue reading this entry >>


Enter email address:

about

This is StudentStrike. A place of critical ideas and radical activities.

Powered by VencerCrisostomo | LFS National Chairperson

links

search

recent posts

recent comments

archives

subscribe to studentstrike


Subscribe to this blog