<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2480742072650651373\x26blogName\x3dStudentStrike\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://studentstrike.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://studentstrike.blogspot.com/\x26vt\x3d-7123066251283300075', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Back to StudentStrike HQ

Baguhin ang talakayan: Makiisa sa laban ng mamamayan

Binabati ko ang mga kasamahan sa Bloggers’ Kapihan sa matagumpay na pangunguna sa Blog Action Day 08 sa Pilipinas at pangunguna sa panawagan na manindigan laban sa kahirapan.

Para sa mga progresibo, kakaibang kapangahasan ang kinailangan para pangunahan ang pagpapanawagan ng aktibidad, na magsasalang ng kanilang paninindigan sa kahirapan, – isang usaping masasabing malapit sa puso ng mga progresibo – laban sa mga namamayaning pagtingin dito ng blogosphere.

Kung tatawirin ang blogactionday.org, at babasahin ang ilang tampok na blogs na lumahok, siguro mauunawaan kung ano ang tinutukoy ko sa ”namamayaning pagtingin.” Sa mga mabilis makaamoy, medyo pamilyar na ang eksena na dati nang sinubukang ibenta. May bakas ito ng mga kampanyang pa-cool na gumamit pa ng mga artista at banda sa pangunguna ng mga institusyong pinopondohan ng malalaking kumpanya.

Sa madaling sabi, something’s fishy. Subukan nating unawain saglit.

Hindi magbablog ang mahirap

Hindi na siguro kailangan sabihin, pero sa araw na ito, hindi mga mahihirap ang magkukuwento. Wala namang nagsabi na araw ito para magblog ang mahihirap. Sa madaling sabi, tungkol sa mga mahihirap at sa kahirapan ang istorya, pero hindi mula sa perspektiba ng mga dumadanas. O at least, hindi sa mga aminadong dumadanas nito.

Kung gayon, ang kahirapan ay ineeksamin ng mga hindi dumadanas nito, o at least ng hindi mulat na dumadanas. Parang ”others” na pinag-uusapan ang mahihirap at iba sa mga nag-uusap ang kahirapan. Hindi naman masyadong importante kung anong epekto noon sa mahihirap mismo, dahil hindi naman sila nagbablog at wala ring internet. Pero mas mahalagang tignan, na pinatitigas nito ang posisyon at ilusyon ng middle-class bloggers na hindi sila mahirap, wala silang kinalaman sa mga naghihirap (bukos sa ”concerned” sila sa kanila), at iba sila sa kanila.

Kahirapan sa pag-unawa

Kaya hindi na nakapagtataka kung maliitin ng blogosphere ang usapin ng kahirapan na tila isa lang sa mga topic na isusulat nila sa kanilang entry, kapantay siguro ng usaping pangkalikasan, kultura, TV show, o web design. Tinitignan ang problema ng kahirapan bilang isa lamang sa maraming mga prublema, walang mas matimbang at mas magaan, at hindi ang pangunahing prublemang bumabagabag sa sandaigdigan. Hindi na baleng higit kalahati ng daigdig ang dumadanas nito.

Sa marami, para lamang kakaibang pangyayari ang kahirapan na maaring solusyunan sa balangkas ng kasalukuyang set-up na panlipunan. Kailangan lang natin, halimbawa, magblog, magdonate, bumili ng kape na may flavor of the month na tumutulong sa mahihirap sa Aprika, at iba pa.

Para bagang iilang tao lang ang naghihirap at ”abnormal” ito sa lipunan, gayong sa totoo’y ito ang kalakaran. Dumadami pa nga ang naghihirap habang tumatagal. Para bagang lahat ng tao ay may ”pantay na oportunidad” at may kakayanang yumaman basta mag-sikap-at-tiyaga lang.

Pero malaking kalokohan ang mga pagtinging ito. Sinusubukan nitong burahin ang katotohanan na nabubuhay ang sistema sa kasalukuyan sa pagsasamantala sa nakararaming mamamayan. Ang kahirapan ay hindi exception to the rule, kundi ang rule mismo. Sa ilalim ng sistema na nakokonsentra lamang sa iilan ang yaman at pinipiga ang todo-todong pagsasamantala sa mga manggagawa at mamamayan, natural ang kahirapan. At kahirapan ito na hindi dulot ng kung anupaman, kundi ng pagsasamantala ng naghaharing iilan. At hangga’t hindi nagbabago ang lipunan, hindi matatapos ang kahirapan.

Eto ang ilan sa mga makikita sa mga listahang lumabas sa malalaking sites hinggil sa mga ”pwedeng gawin” laban sa kahirapan: magpayaman (oo, meron nito), magbawas ng pagkain ng karne, mag-ampon ng mga bata, magdonate sa mga institusyon, bumili ng mga produkto na may ”malasakit”, at iba pa. Ito ang hindi matatagpuan: kumilos para sa panlipunang pagbabago, mag-organisa para wakasan ang imperyalismo, ipaglaban ang mga batayang interes at kapakanan ng mamamayan sa sahod, trabaho at karapatan.

Baguhin ang talakayan, patindihin ang pagkilos

Kaya tunay lamang na dapat ”baguhin ang talakayan.” At para sa mga progresibong blogger, hindi lamang ito retorika kundi seryosong usapan.

Layon nating ipakita sa bloggers na kung tunay na gusto nilang gapiin ang kahirapan, dapat na magsimula ng pagbabagong panlipunan. Kung sa estudyante, ang sigaw nati’y "wag makulong sa apat na sulok ng paaralan", pwede sa bloggers: "wag makulong sa apat na sulok ng computer screens." Ang rebolusyong kailangan ay hindi virtual.

Sa Blog Action Day ’08, magaganda ang posts ng mga progresibo. Si Anton, nagyaya sa piketlayn ng mga manggagawa ng Kowloon. Si Bikoy at si Prof. Danny Arao, naglinaw hinggil sa mga maling pag-unawa sa kahirapan. Si Tonyo, pinagpugayan ang mga bayani ng mahihirap na nakikibaka at inilantad ang ugat ng kahirapan. Si Nato, pinakita kung paano pinahihirapan na nga, niloloko pa ng mga kinatawan ng mga naghahari ang mamamayan.

Sana pagkatapos ng Blog Action Day, marami pa ang magsimula ng tunay na talakayan. Hindi lang sa blogosphere, kundi sa mga pabrika, komunidad, sakahan at lansangan. Hindi lang para magsalaysay at maglahad, kundi para makisangkot sa pagbabagong panlipunan na tunay na siyang magwawakas sa kahirapan.

“Baguhin ang talakayan: Makiisa sa laban ng mamamayan”