Open Thread: People Power 2 at ang nagpapatuloy na papel ng Kaliwa sa pulitika ng pagbabago
Sa gitna ng pag-alaala ng marami sa EDSA 2 sa mga blogs at sites, may nabuong interesanteng palitan hinggil sa papel ng Kaliwa noong People Power 2 at nagpapatuloy nitong impluwensya at kabuluhan sa kasalukuyan.
Sa isang blog entry ni MLQ3, isang tampok na political blogger at kolumnista, minaliit ang papel ng kaliwa sa EDSA at kasabay nito'y inihayag na umano'y matapos ang 2001, lumiit na ang kabuluhan at nawalan na ng papel ang Kaliwa sa "lehitimong" pulitika ng bansa.
Kinuwestyon nya rin ang mga batayan ni MLQ3 sa pahayag nito hinggil sa kawalan ng papel at kabuluhan ng Kaliwa sa pulitika sa kasalukuyan at kawalan umano ng kahandaan ng lipunang tanggapin ang Kaliwa.
Aniya, ang patunay ng kawalan ng kabuluhan ng Kaliwa, ay ang kanyang pagtingin na tinatanggap ng publiko ang mga pagpaslang sa mga aktibista at mga kasapi ng Kaliwa. Hindi daw nagagalit ang mga tao sa pagpaslang. Marami daw e natutuwa pa. Yan daw ang nababasa nya at naririnig sa mga sabi-sabi.
Maraming pwedeng dahilan kung bakit hindi pa dumadagundong gaya ng nais ni MLQ3 ang protesta laban sa pampulitikang pamamaslang. Pero hindi na tatangkain ng historyador na si MLQ3 na pag-aralan ang iba't ibang mga salik na maaaring nagdudulot nito. Ang pinakakumbinyente para kay MLQ3 ay ang tumungo sa kongklusyon na sadyang publiko'y nasusuklam sa Kaliwa.
Kakatwa na habang tinutuligsa ang umano'y pagiging "dogmatic" ng Kaliwa'y sige naman si MLQ3 sa paggamit ng senatorial election results bilang batayan ng umano'y kawalan ng lakas ng Kaliwa. Kesyo daw mas marami pang botong nakuha si Chavit.
Marami pang pwedeng pag-usapan at usisain sa talakayang ito, at tiyak na lalawig pa ang palitan sa pagsagot ni Tonyo at pagsali ng iba pa. Pero hayaan nyong gawin natin itong unang "Open Thread" sa blog na ito. Sana ipaskil nyo bilang komento sa ibaba ang anumang damdamin tungkol sa usapin.
Anong tingin mo?
Sa isang blog entry ni MLQ3, isang tampok na political blogger at kolumnista, minaliit ang papel ng kaliwa sa EDSA at kasabay nito'y inihayag na umano'y matapos ang 2001, lumiit na ang kabuluhan at nawalan na ng papel ang Kaliwa sa "lehitimong" pulitika ng bansa.
Another complication is how unprepared our society is, to recognize the Left as part of the body politic. A tacit agreement seems to have been reached with the Left, during Edsa Dos, where the Left worked more or less discreetly with the other players (for example, during the “sleepy” periods during those protest days, the Left ensured there would be people at Edsa in the morning and lunchtime). The Left thus managed to make up for missing the bus during Edsa in 1986 (much as their revisionism denies that, of course). Since 2001, however, the Left has found itself unable to really find a place for itself in legitimate politics. From 2005, in particular, while committed and disciplined, the Left had to contend with the usual problems of its dogmatism alienating other political players, and its cause proving itself less than attractive to the broader public (for many reasons: ideological, and also, their past alliances).Hindi ito pinalagpas ni Tonyo, isa sa mga tanyag na progresibo sa blogosphere, sa kanyang blog entry na "Airbrushing the Left out of Edsa 2 and the body politic" kung saan nilinaw niya ang sentral at di matatawarang papel na ginampanan ng Kaliwa sa pagpupundar sa People Power hindi lang sa EDSA kundi sa buong bayan, hindi lang noong Enero 2001 kundi sa mga panahon bago pa nito. Tumampok ito lalo na sa pangunguna ng Kaliwa sa martsa patungong Mendiola.
Kinuwestyon nya rin ang mga batayan ni MLQ3 sa pahayag nito hinggil sa kawalan ng papel at kabuluhan ng Kaliwa sa pulitika sa kasalukuyan at kawalan umano ng kahandaan ng lipunang tanggapin ang Kaliwa.
I hope Manolo elaborates these points because as far as I know, the Left had been welcomed by the public in the 2001, 2004 and 2007 elections. In fact, Bayan Muna led the 2001 and 2004 partylist elections — to the surprise of both the social democrats in power and people like Manolo. In 2007, despite the massacre of its officers, the imprisonment of Ocampo and the use of terror against it — Bayan Muna returned to Congress with a strong and very respectable second place finish.Higit pang malilinaw ang mga kontra-Kaliwang pagtingin ni MLQ3 (na btw, ay dati nang naging paksa na ng nakaraang talakayan sa Reds Care) sa kanyang addendum sa kanyang naunang entry (na tinugunan din ni Tonyo), sa isang comment at sa isang entry na may mas detalyadong tugon.
Between 2001 and 2007, the Left spearheaded or joined projects with its allies. They are too many to mention but let me put some of them here: the broad coalition to sue Estrada before the Ombudsman and the Sandiganbayan, the coalition against the US-led war on terror, the two impeachment cases, etc. But indeed, there are no perfect alliances. There remain differences and biases among friends. But to say that the Left was lagging behind or was problematic in forging alliances is going a bit too far. Or was it really the Left’s problem? Or were there alliance partners who were too small and too inconsequential but belonged to the elite and so must be given the spotlight and the bigger voice and recognition? Or are some Filipinos just too infected with a psychotic level of anti-Left biases? I don’t know. What I know is that the Left also has a sense of self-respect as to choose its own friends, and choose which alliances to join or help spearhead.
And what is this creature called dogmatism which Manalo refers to? I am curious about it. I want to stamp it like a disease — but if the word is just carelessly thrown without basis, then that is too sad an occasion.
Had the Left been dogmatic all along, it would have rendered itself irrelevant immediately after Edsa 2. But that is clearly not the case.
Aniya, ang patunay ng kawalan ng kabuluhan ng Kaliwa, ay ang kanyang pagtingin na tinatanggap ng publiko ang mga pagpaslang sa mga aktibista at mga kasapi ng Kaliwa. Hindi daw nagagalit ang mga tao sa pagpaslang. Marami daw e natutuwa pa. Yan daw ang nababasa nya at naririnig sa mga sabi-sabi.
Maraming pwedeng dahilan kung bakit hindi pa dumadagundong gaya ng nais ni MLQ3 ang protesta laban sa pampulitikang pamamaslang. Pero hindi na tatangkain ng historyador na si MLQ3 na pag-aralan ang iba't ibang mga salik na maaaring nagdudulot nito. Ang pinakakumbinyente para kay MLQ3 ay ang tumungo sa kongklusyon na sadyang publiko'y nasusuklam sa Kaliwa.
Kakatwa na habang tinutuligsa ang umano'y pagiging "dogmatic" ng Kaliwa'y sige naman si MLQ3 sa paggamit ng senatorial election results bilang batayan ng umano'y kawalan ng lakas ng Kaliwa. Kesyo daw mas marami pang botong nakuha si Chavit.
Marami pang pwedeng pag-usapan at usisain sa talakayang ito, at tiyak na lalawig pa ang palitan sa pagsagot ni Tonyo at pagsali ng iba pa. Pero hayaan nyong gawin natin itong unang "Open Thread" sa blog na ito. Sana ipaskil nyo bilang komento sa ibaba ang anumang damdamin tungkol sa usapin.
Anong tingin mo?
January 23, 2008 at 5:26 AM
Sa paggamit ni MLQ3 ng resulta ng nakaraang eleksyon upang masukat ang laki at lakas ng Kaliwa kumpara sa mga dominante at pangunahing partido ng bansa, nakalimutan ata niya ang konsepto ng dagdag-bawas kung saan nabiktima ang mga kaliwang partylist at tumabo ng ganansya ang mga kandidato at partido ni Gng. Arroyo. Lalo pang magiging katawa-tawa ang kanyang pagtutsa na mas malaki pa ang natanggap na boto ni Chavit kesa sa pinagsama-samang boto ng mga partylist na ito kung aalalahanin ang maruruming taktika ng administrasyon upang makakuha ng boto bukod sa dagdag-bawas tulad ng pagbili ng boto, etc. Wala akong naaalalang kaso kung saan ang mga partido mula sa kaliwa ay pinaratangang nandaya o bumili ng boto.
Kung gayon, hindi maikakaila, kahit mismo ni MLQ3 na patuloy na lumalaki ang papel na ginagampanan ng Kaliwa sa mainstream na pulitika. Wasto ang pagsabi ni Cruz na ang bukod sa pagbibigay ng "warm-bodies," makabuluhan ang kanilang papel sa pampublikong diskurso, sa pagbabago ng itsura ng mga debate, at sa pagbibigay ng alternatiba sa kasalukuyang kaayusan. Mahalagang banggitin muli na ito ay kanilang nagagawa sa kabila ng black propaganda at represyon ng administrasyon at militar.
Sa mga komento, binaggit din ni Manolo na "in retrospect, the resign all call was the correct one to make." Hindi ba't ito ay dogmatismo sa pinakapayak na depinisyon ng salita?
Una, sa pagtawag ng "resign all", ihinihiwalay mo ang isyong sarili sa mga grupo na naniiwalang patalsikin ang pangulo ngunit hindi ang lahat. Pangalawa, at lagi't lagi na ngang inuulit sa ilang mga blog ng mga progresibo, ang people power ay hindi tutungo sa matagal nang pangarap na pagbabago pagka't hindi nito binabago ang esensyal (malakolonyal-malapyudal) na katangian ng bansa.
Hindi rin naman isinasawalang-bahala ni Tonyo ang mga tumututol sa extrajudicial-killings. Ang sinasabi lamang niya, ang pagsasawalang-bahala at paglimot sa papel ng Kaliwa sa mga makabuluhang pangyayari sa bansa tulad ng EDSA dos ay tumutulong upang maipagpatuloy ang mga pamamaslang.
Salamat kung inyong kinukundena ang pamamaslang. Subalit hindi rin naman nakakatulong upang matigil ito kung patuloy na ilalagay sa margins ang kaliwa. Kung patuloy silang ikokonsiderang insignificant. Kung patuloy na sasabihin na hindi pa sila tanggap ng mamamayan kahit na ang kasaysayan na ang magpapatotoo sa kabaliktaran nito.
Huli na lamang.
Maaaring totoo ang sinasabi ni Manolo na kulang ang galit na ipinapakita ng mamamayan sa mga pamamaslang sa mga kasapi ng Kaliwa at kung gayon ay hindi pa rin sila tanggap ng publiko.
Subalit, mali na ikonsidera ito bilang ultimate na batayan sa pagtanggap ng mamamayan sa Kaliwa.
Hindi rin maikakalila na malaki ang isinusugal ng mamamayan sa pagsasalita laban sa pamamaslang - ang kanilang sariling buhay. Nagbubunga ng matinding takot ang mamamayan hindi lamang sa ilang kasapi ng Kaliwa kundi sa publiko mismo.
Dagdag pam ano ba ang hinihigi ni MLQ3 upang masabing may simpatya ang mamamayan at sila ay concerned sa mga pamamaslang? Sino ba ang kanyang "naririnig" at "nababasa?"
(Patawad sa mambabasa kung magulo. malayang paglalabas lang kasi ito ng mga naiisip at walang outline o ano pa man.)
January 23, 2008 at 5:47 AM
May nagcomment pa sa blog nya na hindi tamang ipatas ang senatoriable votes sa partylist votes sa simpleng dahilan na isang partylist lang ang pwede mo ng iboto habang 12 ang senador.
Kung tutuusin nga naman...
January 25, 2008 at 10:45 PM
Ron,
Inilink ni MLQ3 sa post nya ang entry na ito at sinagot ang mga komento mo. Sabi niya kinonsidera daw nya ang dagdag bawas. Pero hindi niya sinagot ang tungkol sa problematikong paghambing ng senatoriables result sa partylist result.
Anyway, ang punto lang naman ay ang mga sumusunod:
>> Kahit paano nya paikut-ikutin, maling mali pa rin maliitin ang papel ng kaliwa na malinaw nyang ginawa sa pagrereduce sa kaliwa bilang dagdag-tao lang sa EDSA.
>> Himayin pa natin ang lohika niya:
pinapatay ang mga aktibista ng Kaliwa --> walang dambuhalang mga pagkilos ng mamamayan = ayaw ng mamamayan sa Kaliwa
subukan natin baguhin ng konti:
pinapatay ang mga journalist --> walang dambuhalang pagkilos ng mamamayan = ayaw ng mamamayan sa journalists
isa pa:
laganap ang kurupsyon --> walang dambuhalang pagkilos = gusto ng mamamayan ang kurupsyon
one more time:
naghihirap ang maraming bilang ng mamamayan --> walang dambuhalang pagkilos = gusto ng mamamayan maghirap
O ha, nakadiskubre na tayo ng walang talong paraan ng pag-aargue a-la Raul Gonzales.
>> Sa takbo ng isip niya e, para bagang ang pagpili ng pulitika ay pagpili lang ng brand ng bareta ng sabon. Para bagang tunay na "malaya" ang taumbayan na pumili lang ng papanigan.
Para bagang ang eleksyon e neutral at hindi pabor sa mga me kapangyarihan, pera at makinarya. Alam kong labas sa dagdag-bawas Ron ay iyon ang ibig sabihin mo.
Ang pagkakaiba ni Tonyo kay MLQ3, si Tonyo, tinungtungan ang panalo ng Bayan Muna sa eleksyon bilang pagpapakita na sa kabila ng pagiging panig ng eleksyon sa mga nasa kapangyarihan at sa kabila ng katangian nitong kontra-progresibo, nakapanaig pa rin ang BM. Si MLQ3, fans club president yata ng Comelec, binilang ang mga boto sa paniniwalang ito na ang ultimate na sukatan ng tinig na mamamayan.
O, ibalik mo ang depinisyon ng dogmatismo:
dogmatism |ˈdôgməˌtizəm|
noun
the tendency to lay down principles as incontrovertibly true, without consideration of evidence or the opinions of others : a culture of dogmatism and fanaticism.
DERIVATIVES
dogmatist noun
ORIGIN early 17th cent.: via French from medieval Latin dogmatismus, from Latin dogma (see dogma ).
Ay naku! Kukurukuku...
May iba pang mga puntos pero next taym na lang... kain muna ko. Hehehee.