Pinakamataas na pagpupugay kay Monico Atienza
Huling Leksyon
Alay kay Kasamang Nick Atienza
Tinuruan mo kami ng wika at mga talata
pero higit sa lahat, tinuruan mo kami makipag-usap
at magkaroon ng kahulugan.
Tinalakayan sa silid-aralan,
pinautang ng matrikula, pinahiram ng mga aklat
sinalinan ng kaalaman.
Pero higit sa lahat, binigyan kami
ng kakaibang tapang at pag-asa,
pinunlaan ang aming puso ng mga munting binhi
ng paninindigan.
Naging manunulat ka, ngunit hindi lamang ng mga akda,
makata hindi lamang sa tula.
Isinalin sa iyong buhay ang mga dakilang alamat at
maniningning na mga talinhaga.
Namata ka sa rebolusyon.
Iyan ang iyong mga huli at pinakamahalagang leksyon:
makipag-usap sa masa, bigyang pag-asa ang api,
manindigan para sa bayan, mag-alay ng buhay ng
walang takot at walang alinlangan.
Asahan mo, Ka Nic, hindi ito ang mga huling aralin namin.
Pagkat kung tutuusin, hindi mo naman ninais
na maging tangi naming propesor.
Inakay mo kami tungo sa pamantasan ng lansangan,
paaralan ng api, at kolehiyo ng simpleng pamumuhay at
puspusan, buong dedikasyong pakikibaka.
Sa piling ng masa, patuloy na bubuhayin
ng mga mag-aaral ang iyong mga leksyon at tapik ng paalala.
Dakila ka Kasamang Monico Atienza:
propesor, kasama, kaibigan at magiting na rebolusyunaryo!
December 8, 2007