Top 5 most amusing things during Pacquiao-Barrera fight
5. The pre-fight analysis.
"Matatalo yata si Pacquiao, ang payat nya sa picture. " Ang daming pagtatalo bago magsimula ang laban. Biglang tumatalino ang mga tao, ang daming alam tungkol kay Pacman at Barrera. Kesyo ang tindi ng treyning, at kung ano ano pa. Wala pang boksing, away na!
4. The AM radio coverage.
Ok sana to, maaga at live pa! Kaso lang eh... wala kang makita. Nakakainis. Hehe.
3. The army of spoilers.
Kung merong iniluwal yung delayed telecast sa TV, e iyun yung pambansang penomenon ng pagdami ng mga epal at mga naninira ng excitement sa panonood.
Si Ka Polding, hindi kami textmates. Kahit kelan hindi naman kami nagtetext kung wala kaming kelangan sa isa't isa. Pero kanina bandang alas-dose, bigla syang napatext: PANALO PACQUIAO 12ROUNDS.
2. The Pacman English.
Ito ang dahilan kung bakit kahit tapos na ang laban at me desisyon na, hindi mo pa rin ililipat ang TV. Ang mas exciting pang challenge: kung paano sasagutin ni Pacman ang English interview.
Interviewer: Were you hurt?
Pacman: You know, uhm.. Not so much.. No.
1. Noli De Castro
At akala ko tapos na sa English ni Pacman, but no! Sisipot sa screen si VP Noli De Castro.
Interviewer: We have here no less than... the ... Vice President of the Philippines.
(Sa loob-loob nya: pucha, eto ba Vice President ng Pilipinas? Takte, akalain mo, walang ibang magawa kundi manuod ng boxing dito. Amazing. Hehe. )
"Congratulations to the Filipino people! The true winner."
Haha. Panalo?
Panalo!
October 7, 2007 at 10:21 PM
I heard from someone I know, who promoted boxing who visited Cebu and Manilla, about a new Pinoy boxing sensation.
Is Pinoy a bad word?
October 8, 2007 at 8:22 AM
di ako nanood (yung pelikula ni judy ann sa channel2 yung pinanood ko), actually sabado ko na nalaman na may laban si pacquiao. haha.
anyway, di ko naman siya gusto.
October 8, 2007 at 10:13 AM
Ren: No, Pinoy is not a bad word. It's usually used in a positive sense. Well, here, at least. I'm not sure of how it's being used in the US or in other countries.
Divs: Ganun? Ang taray mo naman. Karamihan naman ayaw kay Pacman dahil sa bulok, pro-Arroyo politics nya.
Kung maninindigan lang sya para sa bayan at laban sa mga kurakot at mapagsamantala, naku, baka maging national hero talaga sya.
October 8, 2007 at 6:08 PM
exactly why hindi ko sya gusto, nagpapagamit siya kay gloria.
at hindi ako mataray noh. hehe.
kumusta na lfs website? :)